Vice Ganda, humingi ng paumanhin sa naging kalituhan sa 'Tawag' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Vice Ganda, humingi ng paumanhin sa naging kalituhan sa 'Tawag'

ABS-CBN News
Published May 30, 2018 01:50 PM PHT

MANILA -- "Walang pandaraya."
MANILA -- "Walang pandaraya."
Ito ang ipinagdiinan ni Vice Ganda, kasama ang iba pang hosts ng "It's Showtime" patungkol sa scoring o ang tala ng bilang na natamo ng mga grand finalist ng "Tawag ng Tanghalan."

Nitong Miyerkoles, ipinaliwanag ni Vice Ganda kung paano nakuha ng mga grand finalist ang kanilang mga iskor.

"Nais lang po naming linawin na hindi po nabago ang bilang ng madlang pipol at hurados scores para sa mga nag-perform noong Lunes. Kaya raw po gumalaw ang kanilang final average score ay dahil dinivide ang boto ng 12 grand finalists para malaman ang final rankings nila," ani Vice Ganda.

ADVERTISEMENT
Dagdag naman ni Jhong Hilario, marami ang nag-akalang hiwalay ang ranking para sa mga nag-perform noong Lunes at Martes.

"Isang buong contest 'yon. Hinati lang kasi hindi kasya sa oras natin dito sa 'Showtime' kaya hinati lang pero iisa lang ang score noon," ani Jhong.

Iginiit naman ni Amy Perez at Anne Curtis na may grupo ang ABS-CBN na siyang nag-o-audit para masigurong walang magkamali at tama ang iskor.

Sa huli, iginiit ni Vice na kahit may mali silang mga nasabi na nagdulot ng kalituhan, wala namang pandarayang nangyari.

"Mayroon tayong mga mali ring nasabi kahapon. Aminin din naman natin 'yon. Pero hindi po sinasadya, wala pong intensiyon ng pandaraya. Bawal po sa ABS-CBN," ani Vice Ganda.

"Magkaunawaan po sana tayo. Pilitin nating maunawaan at kumalma. Paumanhin po sa pagkakamali namin. Ako po mismo bilang host alam ko may mga mali rin po akong nasasabi kaya paumanhin po sa inyong lahat," ani Vice Ganda.