FAMAS may sagot sa mga bumabatikos sa 'pagkilala' nila kay Vice Ganda | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FAMAS may sagot sa mga bumabatikos sa 'pagkilala' nila kay Vice Ganda

FAMAS may sagot sa mga bumabatikos sa 'pagkilala' nila kay Vice Ganda

ABS-CBN News

 | 

Updated May 23, 2018 07:53 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ipinagtanggol ng pamunuan ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) ang paghirang nila kay Vice Ganda bilang recipient ng Dolphy Memorial Award sa harap ng pagkuwestiyon ng isang kolumnista sa naturang desisyon.

Ayon kay FAMAS president Francia Conrado, si Vice Ganda mismo ang napili ng pamilya ng tinaguriang "hari ng komedya" na tumanggap ng award ngayong taon.

"Siya po talaga ang unanimous choice. [We consulted] the family also, Eric Quizon and mga kapatid niya. Ang issue kasi nila, why not Vic Sotto. [Pero] Tito [Sotto], Vic, and Joey [De Leon] po ay lifetime achievement awardee na ng FAMAS three years ago. Sana naman irespeto na lang natin," depensa ni Conrado.

'Feeling-winners' na

Samantala, pinangunahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia ang nominees' night ng 66th FAMAS awards kung saan sila nominado bilang best actress at best actor para sa pinagtambalang pelikula na "Love You To The Stars And Back."

ADVERTISEMENT

Sa pagtanggap pa lang ng kanilang plaque of recognition, feeling winners na sina Barretto at Garcia.

Karangalan anilang mahanay sila sa mga beteranong aktor tulad nina Bembol Roco, Ricky Davao, Yayo Aguila, at iba pang nominees.

"Gusto naming magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa amin. Siyempre isa sila sa rason kung bakit kinakatayuan namin ito ngayon," ani Barretto.

"Iyung mga kasama kasi namin [na nominees] du'n pa lang parang panalo na kami eh," ayon naman kay Garcia.

Hindi na ininda ng JoshLia ang ingay sa hindi nila pagka-nominate sa 2018 Gawad Urian Awards.

"I would rather just respect their decision. We'll just be thankful. We feel like we've been very blessed to be even complaining in the first place," paliwanag ng aktres.

"Siguro hindi pa namin time. Next year malay mo," ani Garcia.

Gaganapin ang FAMAS awards sa Hunyo 10.

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.