Mariel, gabay nila Kylie, Queenie sa pagbubuntis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mariel, gabay nila Kylie, Queenie sa pagbubuntis

Mariel, gabay nila Kylie, Queenie sa pagbubuntis

ABS-CBN News

 | 

Updated May 18, 2017 01:06 PM PHT

Clipboard

MANILA -- Bilang isang ama at asawa, masayang ikinuwento ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez ang nagbibigay ng guidance sa mga anak ni Robin na sina Queenie at Kylie na parehong on the family way ngayon.

"Si Mariel ang abala. Kasi sa usapin na 'yun ako puro dasal bilang tatay. Pero hindi ko naiintindihan 'yun. Kahit saang aspeto hindi ko naman naramdaman 'yun e, kaya mula umaga hanggang gabi ang kausap ni Kylie ay si Mariel," ani Robin.

Dagdag ni Robin, pambihirang pagkakataon na halos magka-edad lang ang panganay nila ni Mariel at ang kanyang magiging mga apo kay Queenie at Kylie

"Wala naman masama doon lalo na sa edad ko na dumating sa panahon na prime ka pa, napakasarap na may dala kang magkabila anak at apo hindi ba, hindi ka pa ugod-ugod," ani Robin.

ADVERTISEMENT

Bagong project na aabangan sa Padilla clan na isa sa kilalang pamilya sa showbiz ang pagbubukas ng Museo Padilla ngayong Nobyembre.

"Ang kasaysayan ng mga Padilla at ng Pilipinas kasi magkasama 'yun e. Ang mga Padilla kasi mga Español iyan na nagpunta dito hanggang sa nabuo ang a Filipino-Spanish history, magkasabay 'yun," ani Robin.

Samantala, excited din na ibinahagi ni Robin ang aabangang project bilang isang Kapamilya kasama ang tambalang Jodi Sta Maria at Richard Yap na naka bonding na niya sa isang okasyon.

"Kahit kami din naman ni Sir Chief, nagkita-kita na kami. Nakakatuwa nga kasi noong umugong at kinausap ako, ang kinausap ko agad si Sir Chief kasi tagahanga ako ng dalawang 'yun nung show nila tapos papasok ako. May papasok na malisyoso medyo iba ang dating nun so kinausap ko muna si Sir Chief," ani Robin.

Looking forward na ang fans ni Robin sa paggawa niya muli ng mga proyekto sa ABS-CBN at sa kanyang advocacies.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.