'Babies' ni Ellen, sunod ang apelyido kay John Lloyd | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Babies' ni Ellen, sunod ang apelyido kay John Lloyd

ABS-CBN News
Published Apr 29, 2018 02:26 PM PHT
|
Updated Apr 29, 2018 07:24 PM PHT

Ibinahagi ni Ellen Adarna sa isang Instagram post ang larawan ng tinawag niyang "babies."

Sa caption ng picture ng mga tuta, binanggit na ang pangalan nila ay Felicia Marie Cruz at John Ruffus Cruz, sunod sa apelyido ni John Lloyd Cruz na nobyo ni Adarna.

Mapapansin ding nasa pangalan ng mga tuta ang pangalang "John" at "Marie" na maaaring galing sa "Maria" na bahagi ng full name ni Adarna.

Samantala, sa IG stories naman ni Adarna kung saan binati niya ang kaibigang nail artist, mapapansin ang gitnang daliri ni Adarna na tila mayroong engagement ring at wedding band.

ADVERTISEMENT
Tikom pa rin ang bibig nina Adarna at Cruz ukol sa isyung pagbubuntis ng aktres at ang umugong na balitang planong kasal ng dalawa.

Nito lang weekend, naging usap-usapan kung nanganak na nga ba si Adarna kasunod ng post ng isang kaibigang kino-congratulate siya sa pagiging ina o "motherhood."

Kamakailan, lalong uminit ang isyu ng pagbubuntis ni Adarna dahil sa larawan ng kaniya umanong "baby bump."

Dati nang sinabi ni Adarna na target niyang magpakasal at magkaanak pagsapit ng edad 30.

Puwede rin naman daw sa kaniya kahit mauna siyang magkaroon ng anak.

"Gusto kong mag-asawa at magka-anak sa taong mahal ko. Pero parang hindi ko pa alam. Parang malabo pa. Pero for now, kasi hindi ko pa alam and 30 'yung target ko, anak muna na lang," sabi ni Adarna sa isang panayam noong Pebrero 2017.

"I don't want to get married. Maybe when I'm 40, gusto ko anak muna. And I talked to my parents about it already, and I just have to find a partner na may good genes," aniya noon.

Nito lang Pebrero, nagpunta pa sa Japan ang magkasintahan kasama ang pamilya ni Adarna.

Muli na ring aktibo ang Instagram account ni Adarna matapos niya itong i-deactivate kamakailan.

Pero sa posts ng kaniyang malalapit na kaibigan at kaanak, naka-tag ang sinasabing pribadong IG account ni Adarna na may handle na " @emg.a" at ang tila pribadong account din ni Cruz na "@_idancruz."

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
showbiz
entertainment
Ellen Adarna
John Lloyd Cruz
pregnancy rumors
rumor mill
baby bump
celebrities
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT