PANOORIN: Liza at Enrique, napaamin sa kanilang relasyon? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Liza at Enrique, napaamin sa kanilang relasyon?

PANOORIN: Liza at Enrique, napaamin sa kanilang relasyon?

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 15, 2018 09:28 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Tila nadulas sina Liza Soberano at Enrique Gil sa estado ng kanilang relasyon.

Sa press conference para sa "Bagani" nitong Huwebes, muntikan nang maging "oo" ang sagot ni Liza nang tanungin kung "taken" na ang lahat ng mga bidang aktor ng fantaserye.

Dahil dito, walang tigil ang hiyawan ng kanilang mga tagahanga.

Si Enrique naman, kinumpirma na nasa relasyon na ang lahat sa kanila maliban kay Sofia Andres.

ADVERTISEMENT

"Yes! Alam ko 'yan, alam ko 'yan," aniya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pero sa hiwalay na panayam, ipinaliwanag ni Enrique na ang kanyang sagot ay personal niyang paniniwala.

"Well, para sa akin taken na," ani Enrique.

"Exclusive," hirit na sagot naman ni Liza.

Nang tanungin kung ano ang estado ng kanilang relasyon, sagot ni Enrique: "Para sa akin, siya lang 'yung babaeng mahal ko. Siya lang."

"For me, Quen is the perfect guy and he is someone who will always be there for me," ani Liza na inaming kumportable na silang pag-usapan kung ano ang mayroon sa kanila.

"Nagma-mature na po kami," paliwanag ng aktres.

Para kay Enrique, masaya sila ngayon ni Liza sa kung anuman ang mayroon sila.

Samantala, nagbigay-reaksiyon din ang dalawa sa isyung hindi angkop ang kulay ng kanilang balat sa karakter na ginagampanan nila bilang mga "Bagani" ng Sansinukob.

"I know I'm Filipino at heart, I was born here," ani Enrique.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.