Joshua, Robi, nakisaya sa mga 'binibini' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Joshua, Robi, nakisaya sa mga 'binibini'

Joshua, Robi, nakisaya sa mga 'binibini'

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 12, 2018 07:17 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naging abala sina Joshua Garcia at Robi Domingo sa nakalipas na weekend sa kanilang paglahok bilang mga natatanging panauhin sa magkahiwalay na mga beauty pageant.

Nagtanghal si Garcia noong Sabado sa Binibining San Marcelino pageant sa Zambales.

Malakas na hiyawan mula sa mga fans sa audience ang sumalubong kay Garcia nang haranahin niya ang mga finalist ng pageant.

"Nagpapasalamat ako, sobra," ani Garcia.

ADVERTISEMENT

Nahirapan din ang crowd control security na patigilin ang pagdamba ng fans kay Garcia, na unang beses dumayo sa bayan kasabay ng pagdiriwang nito ng Pista ng Singkamas.

Sa panayam, sinabi ni Garcia na ipinagdiriwang din niya ang balitang ipalalabas sa Osaka Asian Film Festival sa Marso ang pelikulang "Love You to the Stars and Back," na pinagbidahan nila ng katambal na si Julia Barretto.

Masaya rin umano siya sa mataas na ratings ng teleseryeng "The Good Son."

"Very overwhelming iyong rating namin," ani Garca.

Kasama naman si Robi Domingo sa pagbisita ng mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2018 sa Bagac, Bataan nitong weekend.

"I got to know them better, personally," ani Domingo.

"Nakaka-excite kasi isa ako sa mga unang tao na puwedeng gumawa na ng mga speculation kung sino iyong puwedeng mag-represent sa atin [sa international pageants]," dagdag ni Domingo.

Si Domingo ang host ng "The Road to the Crown" special na ipalalabas sa ABS-CBN sa Marso 11.

Kabilang sa mga aktibidad na nilahukan ng mga kandidata ang pag-yoga at bikini shoot sa beach.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.