'Lolo Edu'?: Luis handa nang pakasalan si Jessy, pero...

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2018 09:49 PM | Updated as of Jan 11 2018 10:31 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Aminado si Edu Manzano na nangungulila na siyang makapiling ang mga anak dahil kaniya-kaniya na silang pinagkakaabalahan ngayon at di niya na nakakasama nang madalas.

Sa isang panayam, tila nagpahaging pa si Edu Manzano tungkol sa pagnanais na magkaroon ng mga apo.

"His (Luis Manzano's) siblings are all in the States already, studying, pursuing higher learning. I'm an empty nest already so I wouldn't mind seeing a little Manzano walking around," ayon kay Edu.

Handa naman daw si Luis Manzano na lumagay na sa tahimik sa piling ng nobyang si Jessy Mendiola.

"Sabi ko naman I'm ready, I'm ready. But I have to give respect to her [Jessy's] timeline," ani Luis. "I have to respect her age, her priorities... I'd like to think I'm a bit stable already so I'm just waiting for her."

Habang naghihintay si Luis ng matamis na "oo" ng nobya, maglalaan muna ng oras ang mag-ama para mag-bonding.

"I'll be going to the Holy Land, a trip I wanted to do for the longest time," ani Edu. "He (Luis) is supposed to join me sana, we're going to Jordan and Israel."

Magkasamang ipinagdiwang nina Luis at Jessy ang Pasko.

Nag-post pa si Luis ng retrato sa Instagram at sinabing isa sa mga pinakamagandang regalong natanggap niya'y ang pagkakataong makasama ang pamilya at nobya.

Higit isang taon nang magkasintahan sina Luis at Jessy, at paulit-ulit na nilang sinabi sa mga panayam na madalas nilang pag-usapan ang kasal.

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.