Pananakot ng kapre, tinuturong dahilan ng alitan sa isang pamilya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pananakot ng kapre, tinuturong dahilan ng alitan sa isang pamilya

Pananakot ng kapre, tinuturong dahilan ng alitan sa isang pamilya

ABS-CBN News

Clipboard

Napilitan ang pamilya ni Aling Mary na abandonahin ang kanilang dating tirahan dahil sa di umano'y panggugulo ng kapre.

"Dati, pati yung pagsasama namin, tapos nung paayos namin yung mayroong negative dumating sa buhay namin. Hindi ko po siya totally nakita, pero naaamoy ko siya. Alam kong andiyan lang siya sa paligid," ani Aling Mary.

Kuwento naman ni Karlo, nagsimula niyang maramdaman ito noong siya ay 12 o 14.

"Isang gabi noon, parang may 'eek-eek' siya, tumutok sa bintana. Nung umusok mismo, nakita ko yung parang shadow na tao na malaki na super maraming buhok."

ADVERTISEMENT

"Napasigaw na lang ako kay Mommy na, 'Mommy, ano yun?' Tapos nung paglingon niya, wala naman siyang nakita," ani Karlo.

Sabi naman ni Aling Mary, hindi na lamang niya pinapansin ang kapreng nagpaparamdam, at dinaraan na lamang niya sa panalangin na "sana wag naman talaga."

"Tapos nagka-sakit na yung mga anak ko. Dun na ako [nag-desisyon] na lumipat kami ng bahay. Pinutol namin [yung puno] dahil ang [tingin] ko, nandoon siya, doon siya nakatira; baka umalis."

"Parang mali yung desisyon kong ipa-putol yung kahoy kasi parang nagalit na siya kasi doon na nagsimulang manggulo siya, at talagang nagulo na ang pamilya namin," ani Aling Mary.

Si Karlo, may nakapanindig-balahibong karanasan habang gumagamit ng palikuran.

"Ang taas ng banyo namin nun; impossible na may naka-akyat doon para maglagay lang ng kamay. Ang nangyari doon, parang lumabas yung kamay doon, papasok doon sa banyo. Tumakbo na lang talaga ako nang mabilis," kuwento niya.

Ang kapatid din ni Karlo, naranasan ang pananakot ng kapre.

"Unang nangyari yun, nung naganun siya, hindi siya makahinga. Paggising niya, andun lang, nakatayo sa gilid, tapos iyak na siya na parang kinakabahan nung kinukwento niya sa amin yun," kuwento ni Karlo.

Ani Aling Mary, sa pagpasok niya sa kwarto ng anak dahil nga ito ay talagang natakot, may naamoy siya na parang sigarilyo.

Para sa kaniya, ang panggugulo ng kapreng ito ang naging hudyat ng gulo sa kanilang pamilya.

"Dahil doon, nagsimula nang magka-hiwalay kami ng asawa ko. Feeling ko po kasi may dalang kamalasan sa buhay namin yung kapre," aniya.

Si Karlo, naniniwalang "nanalo yung kapre dahil na-overcome niya yung buong compound namin, na-take over niya ito," ngunit mas ayos na rin ito sa kaniya dahil kahit papaano ay hindi na nito umano magugulo ang kanilang pamilya.

Tiwala sa Panginoon at pagmamahal sa pamilya ang tunay na mabisang sandata para labanan ang anumang pagsubok na darating sa ating buhay, maging ito'y hamon man ng kadiliman.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.