Bakit sa gabi madalas nararanasan ang kababalaghan? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit sa gabi madalas nararanasan ang kababalaghan?

ABS-CBN News
Published Oct 27, 2017 07:20 PM PHT

Hindi na bago sa mga nagtatrabaho sa gabi o night shift ang mga kuwentong kababalaghan na nakapagpapataas ng balahibo.

Sa programang ‘Tapatan ni Tunying’, nakapanayam ni Ka Tunying ang ilang Kapamilya na nagbahagi ng nakakatakot nilang karanasan.

“Kasi ‘yung kasama ko isang beses daw siya dito nahiga, hinaplos daw ‘yung mukha niya. ‘Yung isang kasama ko naman, dito rin siya tinakot, ‘yun na nga, tinapik daw siya sa likod, gabi ‘yun,” salaysay ng security guard na si Ramel Lagro.

Malapit sa Marikina River ang village na binabantayan ni Lagro at limang taon na siyang guwardiya roon.

ADVERTISEMENT
May mga makapanindig balahibo na rin siyang karanasan ngunit patuloy pa rin aniya ang paggampan sa tungkulin lalo na kung sasapit ang gabi.

Kuwento niya, may pagkakataon na napahinto siya sa pagbibisikleta matapos makita ang isang babae sa kalsada na walang mukha.

“May babae doon sa gitna, napakahaba naman ng damit. Tiningnan ko ulit, nando’n nga, ang tagal, hindi man humaharap, walang mukha.”

Umikot siya muli upang tingnan ang babae ngunit wala na aniya ito.

Gamit naman ang "reason" at "science," ipinaliwanag ni Red Tani ng grupong Filipino Freethinkers ang karanasan ni Lagro at ng iba pang nagtatrabaho sa gabi.

“Pero sa gabi kasi mayro’n tayong mga kuwento, nagki-kick in din dito ‘yung ating natural na takot sa hindi natin alam. May fear of the unknown ang mga tao at pinakana-e-enhance ‘yun kapag gabi dahil nga takot tayo for our survival. Idagdag mo pa doon ‘yung pagod. Idagdag mo pa doon ‘yung stress. Hindi madaling isipin na medyo pumapalya minsan ‘yung mga senses natin,” paliwanag ni Tani.

Dagdag pa niya, maaaring nakabase sa pinaniniwalaan o kultura ang pagpapakahulugan ng isang tao sa kaniyang nakita o narinig.

“Puwedeng may nakikita tayong mga hugis o may naririnig tayong mga kung ano man na sounds na ang pag-interpret natin ay base sa kung ano ‘yung pinaniniwalaan ng kultura natin. Kung ‘yung kultura mo ay naniniwala sa mga multo, puwedeng ‘yung pagka-interpret natin ay gano’n na nga ‘yung nakita natin o narinig,” ani Tani.

Samantala, aminado si Lagro na mas takot siya sa multo kaysa sa mga magnanakaw na nahuhuli niya sa loob ng village kaya tuwing gabi ay dasal at lakas ng loob ang lagi niyang baon sa trabaho.

Abangan ang iba pang karanasan sa gabi ng mga empleyadong night shift sa ‘Tapatan ni Tunying’, ngayong Biyernes, Oktubre 27, pagkatapos ng Bandila.

Read More:
Tapatan ni Tunying
Undas 2017
Undas
Kakaiba
Filipino Freethinkers
Marikina
ghost
night shift
Tagalog news
PatrolPH
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT