Tikbalang, bantay umano ng isang pamilya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tikbalang, bantay umano ng isang pamilya

ABS-CBN News
Published Oct 24, 2016 03:06 PM PHT

Apat na oras lang na biyahe mula sa Maynila ay makakarating ka sa isang probinsiya sa Norte kung saan nakilala namin ang magsasakang si Mang Rogelio Agcaoili sa isang sitio.

75 taong gulang na si Mang Rogelio, ngunit sariwang sariwa pa sa kanyang isipan ang kuwentong kakaiba ng kanyang amang si Lolo Mariano.

Aniya, mayroong kakaibang alaga ang ama na palaisipan sa kanila paano siya nagkaraoon dahil hindi naikuwento ng ama kung paano nahuli ang nakakatakot na nilalang.

"Mayroon nga daw na alaga siya. Mayroon daw siyang kaibigan, yung maligno na yun. Kung anong itsura nun, di ko alam. Hindi ko nakikita yun," salaysay niya.

ADVERTISEMENT
Ito raw ay isang napakalaking 'kabayong tao' o parang 'tikbalang' na animo'y nanlilisik ang mga mata at may mabahong amoy.

Dagdag pa ni Mang Rogelio, may mga sandaling kapag umaalis ng bahay ang kanyang ama sa gabi ay tila may kinakausap ito at inihahabilin sila.

At hindi gaya ng kuwento ng iba tungkol sa pananakit ng mapaminsalang tikbalang, nakakatulong umano ito sa kanilang kabuhayan. Sa katunayan pa nga raw, kapag salat sila sa pera at pagkain ay madaling nakakagawa ng paraan ang kanilang ama.

Ayon pa kay Mang Rogelio, naging gabay din daw ang tikbalang sa magandang kalusugan ng ama na umabot pa sa edad na 89.

Kahit wala na ang kanilang ama, hindi naman daw nawala ang tikbalang na patuloy pa rin daw ang pagbabantay sa kanilang pamilya at nagmamasid lalo na pagsapit ng dilim.

"Kahit dyan sa bahay namin dyan, sa bahay namin, ramdam ko siya. Ramdam ko po talaga na may kasama kami, lalo na pag umakyat ako sa bahay kasi alam ko pag andyan siya sa tabi, yung mabaho," kuwento naman ni Shanice Mangalindan, apo ni Lolo Mariano.

Kung totoo man o hindi ang nilalang na ito ay mahirap paniwalaan pero para sa pamilya ni Mang Rogelio, walang bahid alinlangan ang paniniwala nila sa alagang tikbalang ng kaniyang ama.