Lalaki, iniwan ang pamilya para manirahan sa tuktok ng puno | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki, iniwan ang pamilya para manirahan sa tuktok ng puno

Lalaki, iniwan ang pamilya para manirahan sa tuktok ng puno

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 11, 2017 04:56 PM PHT

Clipboard

Hindi pangkarinawan ang napiling tirahan ng isang lalaki sa bayan ng La Paz sa Agusan del Sur.

Halos tatlong taon na kasing hindi bumababa ang 47-anyos na lalaki mula sa tuktok ng isang 60 talampakang puno ng niyog.

Disyembre 2014 nang iwan ni alyas "Mario" ang kaniyang pitong kapatid, ina, at dalawang anak upang manirahan sa puno.

Walang hagdan o bubong ang tirahan ni Mario. Umaasa lamang siya sa lilim ng mga dahon upang makaiwas sa init ng araw.

ADVERTISEMENT

Kapansin-pansin din ang ilang damit na nakasabit mula sa puno.

May ilan nang nagtangkang akyatin si Mario upang hikayatin na bumaba subalit bigo ang mga ito dahil kusang umaayaw ang lalaki.

Sa katunayan, may dala pang patalim si Mario para itaboy ang sinumang magtatangkang "sagipin" siya.

Maging ang kaniyang ina, hindi siya magawang pababain.

Katuwang ni Mario ang ina sa kaniyang pamumuhay sa puno.

Dinadalhan nito ng pagkain, inumin at iba pang kagamitan ang lalaki kada araw.

Binabalot ng kaniyang ina ng cellophane pouch ang mga ibinibigay sa anak at itinatali sa lubid na nakasabit sa puno para hatakin paakyat.

Panganay si Mario sa walong magkakapatid.

Namatay ang kaniyang asawa noong 2000 matapos ipanganak ang kanilang ikalawang anak.

Hanggang ngayon, nananatili si Mario sa tuktok ng puno na ilang metro lang ang layo mula sa bahay ng kaniyang pamilya.


-- Ulat ni Rodge Cultura, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.