Pitong pares ng kambal, magkakaklase sa Pangasinan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pitong pares ng kambal, magkakaklase sa Pangasinan

Pitong pares ng kambal, magkakaklase sa Pangasinan

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 09, 2017 12:46 PM PHT

Clipboard

Magkakasama sa iisang klase ang pitong pares ng kambal sa Pangasinan, kaya naman lalong nasabik na magturo ang kanilang guro at gumagawa na rin siya ng paraan upang hindi malito.

Sabik magturo ang grade 7 teacher na si Fershalen Belen matapos malamang kasama ang pitong kambal sa kanyang 60 estudyante sa isang klase sa Pangasinan School of Arts and Trades.

"Masaya po. Medyo nalilito lang lalo na po noong first day. Kahit ngayon napagpapalit ko pa rin mga pangalan nila," ayon kay Belen na first timer sa pagtuturo sa pampublikong paaralan.

Ang mga kambal sa kanyang klase: sina John at Jay, Caroline at Kimberly, Aldrin at Alvin, Christer at Christian, James Christian at James Christopher, Jan Kean at Jan Rian, Lyrian at Lyrica.

ADVERTISEMENT

Photos by Elaine Fulgencio, ABS-CBN News

Bukod sa halos magkakamukha, halos parehas din ang kanilang pangalan, pati ang porma mula sapatos hanggang uniporme at style ng buhok.

Sina John at Jay, magkaklase na simula grade 1. Ang pinagkaiba lang nilang dalawa ay mga marka sa katawan-- si John ang may balat sa mukha at si Jay naman ang may nunal sa leeg. Dito umano binabase ng guro ang pagkakaiba ng kambal.

Mahirap daw kasing paghiwalayin ang mga kambal maging sa klase.

"Gusto namin hindi sila magkakalase kaso magtatampo sila kaya palagi silang magkaklase," sabi ng kanilang amang si Gilbert.

Best friends naman ang kambal na sina Kimberly at Caroline.

"Masaya po kasi may kasama ako palagi," ayon kay Caroline.

"Gusto ko po kasama ko siya palagi para magtulungan kami," ayon naman kay Kimberly.

Upang hindi malito ang mga kaklase at guro kina Kimberly at Caroline, nagpagupit si Caroline habang mahaba naman ang buhok ni Kimberly.

Kaya para umano hindi siya malito, ''Talagang ino-observe ko differences nila 'tsaka hindi ko sila pinagtabi ng mga upuan para hindi masyadong nakakalito''.

Hiling lang ni teacher Belen, maging masipag sila sa klase para sulit ang kanyang pagod.

--Ulat ni Elaine Fulgencio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.