14 bulate, nakuha mula sa mata ng isang babae | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
14 bulate, nakuha mula sa mata ng isang babae

ABS-CBN News
Published Feb 14, 2018 09:45 PM PHT
|
Updated Feb 15, 2018 08:27 AM PHT

Nahugot mula sa isang babae sa Oregon, U.S.A. ang 14 na eye worms na karaniwang pumepeste sa mga baka sa Amerika at Canada.

Ayon sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC), sa loob ng 20 araw, nakuha ang mga bulateng tigkakalahating pulgada ang haba mula sa mata ng 26 anyos na babae.

Tinukoy ang species ng bulate bilang Thelazia gulosa, at ito ang unang beses na nakita ang naturang species ng eye worm sa tao.

Kung hindi natanggal ang mga bulate sa mata, maaari itong magdulot ng gasgas sa cornea at puwede ring makabulag, ayon sa researchers.

"Cases of eye worm parasitic infections are rare in the USA, and this case turned out to be a species of the Thelazia that had never been reported in humans," ani Richard Bradbury, nanguna sa pag-aaral katuwang ang CDC Division of Parasitic Diseases and Malaria.

(Bihira ang kaso ng eye worm sa mga nakatira sa Amerika. Lumalabas na ito ang unang beses na naitala ang naturang uri ng bulate sa tao.)

Dagdag pa ni Bradbury, bago ang insidente sa babae, dalawang species lang ng eye worms ang sinasabing pumepeste sa tao.

Ikatlo na ngayon ang Thelazia gulosa.
Ikatlo na ngayon ang Thelazia gulosa.
Kumakalat ang ang bulate sa pamamagitan ng mga langaw na dumadapo sa mata.

Ayon sa researchers, unang napansin ng babae ang isang maliit at transparent na bulate sa kaniyang kaliwang mata bago siya nakaranas ng iritasyon sa mga mata.

-- Isinalin mula sa ulat ni Gina Cherelus, Reuters
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT