Bulateng nakatira sa katawan, saan nagmumula? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bulateng nakatira sa katawan, saan nagmumula?

ABS-CBN News
Published Jul 29, 2017 08:41 PM PHT

Humigit-kumulang 12 milyon Pilipino ang apektado ng schistosomiasis at halos 2.5 milyon ang maaaring magkaroon nito, ayon sa Department of Health.

'Schistosomiasis' ang tawag sa sakit na dulot ng parasitong butete na pumapasok sa katawan at nagiging bulateng naninirahan sa mga ugat. Maaaring umabot sa 30 taon ang pagtira ng bulateng ito sa katawan nang hindi namamalayan.

Maaaring magresulta sa malnutrisyon ang mga bulateng dala ng butete dahil nang-aagaw ito ng nutrisyon na para lamang sana sa sarili.

Maaari ring maging anemic at maapektuhan maging ang cognitive function o ang pag-iisip ng tao dahil maaaring mangitlog ito sa utak.

Maaapektuhan din ang atay at magkaroon pa ng komplikasyon dito, gaya ng pagkakaroon ng liver cirrhosis dahil sa pagtira ng bulate dito.

Karaniwang nakikita sa mga lugar na may tubig-tabang ang butete ng 'schistosomiasis', ayon kay Dra. Luisa Ticzon Puyat sa programang ‘Good Vibes’ ng DZMM.

Maaaring magkaroon ng sakit na ito ang mga taong naliligo sa lawa, ilog, sapa, creek, at maging ang mga magsasaka na babad sa palayan.

Puwedeng pumasok sa balat ang buteteng ito mula sa tubig-tabang saka maninirahan sa ugat ng katawan bilang bulate, paliwanag ni Dra. Mirla Taira, isang dermatologist.

“Kung ikaw ay lulusong sa isang tabang na tubig, ito ‘yung mga sapa, kanal, mga ilog na mayroong butete, nandoon ang butete ng schistosomiasis, ay puwede na pong pumasok sa inyong pores at balat at doon papasok sa inyong, mainly nandoon po sila sa daanan ng dugo, ‘yung tinatawag na ugat, at doon lalaki na sila at magiging bulate na po ito,” paliwanag ni Taira.

“Papasok na siya sa balat at doon magiging mature worms, bulate. At itong bulate magma-migrate sa atay, mainly sa bituka, daanan ng dumi, ang mature worms ay mangingitlog, kapag idinumi ang itlog, babalik na naman sa mga sapa.”

Kapag nagkaroon ng schistosomiasis, mamumula aniya ang balat at magkakaroon din ng butlig matapos maligo o mababad sa tubig-tabang.

Karaniwan ang schistosomiasis sa 28 probinsiya sa Pilipinas kabilang na ang Samar, Leyte, Bohol, Oriental Mindoro, Agusan del Sur, Agusan del Norte, Cagayan, Isabela, at sa rehiyon 2, ayon kay Taira.