Aso na itinuring na anak, binigyan ng lamay, disenteng libing

Denis Agcaoili, ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2018 12:38 PM | Updated as of Jan 07 2018 03:36 PM

SARRAT, Ilocos Norte - Inilibing ngayong Linggo ang isang alagang aso na pinaglamayan nang 9 na araw kagaya ng isang tao sa Barangay San Francisco sa bayang ito. 

Sampung taon na inalagaan ni Gloria Rarama, isang retired school prinicipal, ang labrador na si Angelina.

Si Angelina ang naging tanging kasama ni Rarama mula nang pumanaw ang kaniyang nag-iisang anak niyang si Maxwell noong Disyembre 2016. Dahil dito, itinuring ng may-ari na parang anak ang alaga. 

Inoperahan si Angelina dahil sa isang bukol, pero pumanaw siya nitong Disyembre 30. 

Nasa 100 ang nakiramay sa pagkamatay ng aso na binigyan pa ng sariling kabaong. Inilibing ito sa likod ng bahay ni Rarama upang laging mabisita ng amo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.