Singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water, tataas sa Oktubre | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water, tataas sa Oktubre

ABS-CBN News
Published Sep 14, 2017 09:47 PM PHT

Nag-anunsiyo na ng dagdag-singil sa tubig ang Manila Water at Maynilad.

Para sa billing sa Oktubre, tataas ng kabuuang P0.32 hanggang P0.40 kada cubic meter ang singil ng Manila Water.

Sa Maynilad naman, P0.14 hanggang P0.17 kada cubic meter ang kabuuang dagdag.

Bunsod ito ng Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) o ang epekto ng paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.

ADVERTISEMENT
"Unfortunately in the past few months, this year especially, the dollar has been steadily going up and the peso has been steadily going down," Ani Atty. Patrick Ty, chief regulator ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS)

Samantala, nanalo naman sa Quezon City Regional Trial Court ang Maynilad laban sa gobyerno.

Inatasan ng korte ang MWSS na ituloy ang dagdag singil na P3.41 kada cubic meter.

"We need to study it further because to be honest, we have yet to receive the copy of the decision. But legally, we can still file a motion for reconsideration," ani Ty.

Kung susumahin, mahigit P5 bilyon na ang sinisingil ng Maynilad sa gobyerno dahil sa naunsiyaming dagdag-singil simula 2014.

"Kung na-implement 'yong dagdag-singil noong araw pa, wala sana kaming sisingilin sa gobyerno na kolektahin ang amount na 'yon sa aming customers," ani Randy Estrellado, chief operating officer ng Maynilad.

Wala pang desisyon ang Department of Finance o MWSS kung babayaran o papayagan ang dagdag-singil ng Maynilad.

Pero bukod sa dalawang desisyon, may hiwalay pang hirit na dagdag-singil sa MWSS ang dalawang water concessionaires.

Sakop naman nito ang rate rebasing period na magsisimula sa Enero 2018 hanggang 2023.

Ang Maynilad, humihiling ng P9.69 kada cubic meter na idaragdag pa sa P34.51 na basic charge.

Ang Manila Water naman, humihirit ng P8.30 kada cubic meter na dagdag sa basic charge na P24.80 kada cubic meter.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
tagalog news
TV Patrol
TV Patrol top
Maynilad
Manila Water
tubig
Metropolitan Waterworks and Sewerage System
MWSS
water
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT