Manok, bangus 'overpriced' ng P10-P20 sa ilang palengke: DTI | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Manok, bangus 'overpriced' ng P10-P20 sa ilang palengke: DTI

Manok, bangus 'overpriced' ng P10-P20 sa ilang palengke: DTI

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 16, 2020 03:42 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nadiskubre ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) na overpriced ng P10 hanggang P20 ang presyo ng manok at bangus sa ilang palengke sa Maynila matapos nilang mag-ikot nitong Biyernes.

Sinamahan ng ABS-CBN News ang mga opisyal habang nililibot ang Paco Public Market at doon nila nalamang P150 na ang benta sa kada kilo ng manok na dapat ay P130 lamang.

Inalam ng DTI sa mga tindera kung sino ang distributors nila dahil maaaring sila ang nagpapatong ng presyo sa manok.

"Hindi [ito] para hulihin sila, [baka] kasi mataas na nilang nakuha. Inisyuhan namin sila ng letter of inquiry para ibigay sa amin 'yung [pangalan ng] supplier nila," ani DTI secretary Mon Lopez.

ADVERTISEMENT

Dahil sa taas ng presyo, kumokonti na rin umano ang binibili ng mga konsumer. Ayon sa ilang tindera, kung dati ay tig-1 kilo bumili ang mga tao, ngayon ay kalahati o 3/4 kilo na lang.

Pero hindi lang manok ang nagtaas ng presyo dahil pati bangus, nagmahal na rin ng P10 dahil sa umano'y kakulangan ng suplay.

Nasa P160 ang presyo ng kada kilo ng bangus sa Paco Public Market.

Ayon sa DTI at DA, mas paiigtingin pa nila ang pagmo-monitor ng presyo para maiwasan ang mga abuso.

—Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.