'Dagdag-presyo sa LPG, posibleng abutin ng P55 kada tangke' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Dagdag-presyo sa LPG, posibleng abutin ng P55 kada tangke'

'Dagdag-presyo sa LPG, posibleng abutin ng P55 kada tangke'

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 31, 2017 11:05 PM PHT

Clipboard

May malakihang dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) bukas bukod pa sa pagtaas ng presyo ng diesel, gasolina at gaas.

Ayon sa mga source sa industriya, posibleng abutin ng P5 kada kilo ang magiging dagdag-presyo sa LPG na katumbas ng P55 kada regular na tangke.

Tumaas umano ang presyo ng LPG sa world market dahil sumipa ang demand ng China at India.

Paghina ng piso kontra dolyar ang isa rin sa mga dahilan kung bakit may malakihang dagdag-presyo sa imported na LPG.

ADVERTISEMENT

Pero bukod sa LPG, may panibagong pagtaas din sa presyo ng petrolyo simula bukas.

Nasa P0.50 kada litro ang dagdag sa diesel, P0.35 sa gasolina at P0.40 sa kerosene.

Karamihan sa mga oil company, bukas ng alas-6 ng umaga magtataas ng presyo pero ang Flying-V lagpas hatinggabi ang paggalaw ng presyo.

Samantala, inaprubahan ng Energy Regulatory Commission ang lagpas P58 bilyon na ipapasa sa lahat ng consumers sa bansa.

Nasa P24 bilyon ang para sa "stranded debts" ng National Power Corporation na may katumbas na dagdag na P0.02 kada kilowatt hour na mananatili sa bill sa loob ng siyam na taon.

May P12 bilyon para sa "stranded contract cost" na mag-e-extend naman ng P0.19 na singil sa loob ng 10 months.

Lagpas P21 bilyon din ang inaprubahang iba pang recovery na katumbas ng hiwalay pang dagdag sa bayarin sa kuryente.

Dati nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na balak nilang ipasalo ang mga dagdag na ito sa Malampaya fund.

Paliwanag ng DOE, hindi pa sila sumusuko hangga't hindi napapakinabangan ng ordinaryong consumer ang Malampaya fund.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.