Presyo kada litro ng gasolina, higit piso ang bawas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo kada litro ng gasolina, higit piso ang bawas

ABS-CBN News
Published Jun 25, 2018 04:01 PM PHT
|
Updated Jun 25, 2018 09:21 PM PHT

(UPDATED) Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng bawas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Hunyo 26.

Sa abiso ng ilang kompanya, nasa P1.15 ang itatapyas sa kada litro ng gasolina, P0.90 sa kada litro ng diesel, at P0.85 sa kada litro ng kerosene.

OIL PRICE ROLLBACK
SHELL, Flying V, Caltex, Petron (6 a.m., Martes)
GASOLINE -P1.15/L
DIESEL -P0.90/L
KEROSENE -P0.85/L

SEAOIL (12:01 a.m., Martes)
GASOLINE -P1.15/L
DIESEL -P0.90/L
KEROSENE -P0.85/L
SEAOIL (12:01 a.m., Martes)
GASOLINE -P1.15/L
DIESEL -P0.90/L
KEROSENE -P0.85/L
ADVERTISEMENT
PTT Philippines, TOTAL, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum (6 a.m., Martes)
GASOLINE -P1.15/L
DIESEL -P0.90/L
PTT Philippines, TOTAL, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum (6 a.m., Martes)
GASOLINE -P1.15/L
DIESEL -P0.90/L
Posible namang matapyasan ulit sa susunod na linggo ang presyo ng petrolyo sa bansa, ayon kay Energy Assistant Secretary Bodie Pulido.

Ito ay matapos magpasya ang Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) noong nakaraang weekend na dagdagan ang produksiyon ng langis.

PARE-PAREHONG GALAW
Ipinagtataka naman ng grupong Laban Konsyumer ang umano'y pare-parehong galaw sa presyo ng mga kompanya ng langis gayong iba-iba raw ang supplier at gastos nila sa operasyon.

"Hindi sila dapat pare-pareho ang kanilang rollback o increases. Iba-iba po ang uri ng mga negosyo nila," ani Laban Konsyumer President Vic Dimagiba.

Kaya pursigido ang Department of Energy (DOE) na ituloy ang "unbundling" o paghimay ng presyo ng petrolyo na tinututulan naman ng mga kompanya ng langis.

"Tuwing nangyayari iyong ganitong klase ng sitwasyon na pare-pareho iyong taas or pagbaba ng presyo ng petroleum products, naririnig natin iyong alegasyon na 'yan na posibleng may anti-competitive behavior," ani Pulido.

Nakatakdang ipresenta kay Energy Secretary Alfonso Cusi ang kautusan kaugnay sa "unbundling" dahil siya ang puwedeng mag-atas sa mga kompanya na ilabas ang kuwenta o basehan ng presyo ng petrolyo para matiyak na hindi naaabuso ang mga konsumer.

-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT