Wanted sa Japan: 700 nurses, caregivers | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Wanted sa Japan: 700 nurses, caregivers
Wanted sa Japan: 700 nurses, caregivers
Ulat ni Zen Hernandez,
TV Patrol
Published May 05, 2017 12:59 AM PHT
|
Updated May 05, 2017 02:14 AM PHT

Nangangailangan ngayon ang Japan ng halos 700 Pinoy nurses at caregivers.

Sa mga mapapalad na aplikante, nasa P100,000 na buwanang sahod ang naghihintay sa nurses habang P90,000 naman para sa caregivers. Hindi rin kailangang marunong agad magsalita ng Nihongo dahil sasailalim sila sa anim na buwang Nihongo training na may allowance pa.

Kailangan lang na meron sila ng mga kuwalipikasyong hinahanap. Para sa nurses, dapat Nursing graduate, may Board license, at may tatlong taong karanasan sa pagtatrabaho sa ospital. Sa caregivers naman, hindi kailangan ng experience, pero kailangan ng certification mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kung graduate ng apat na taong kurso.
Hindi na rin kailangang problemahin ang placement fee dahil government-to-government ang job order at hindi dumaan sa agency.
Kailangan lang mag-register sa Philippine Overseas Employment Administration website at dalhin ang requirements sa ground floor ng POEA building.

-- Ulat ni Zen Hernandez, TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT