Piso humataw kontra dolyar | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Piso humataw kontra dolyar

Piso humataw kontra dolyar

ABS-CBN News

Clipboard

Bumalik sa P49 ang palitan ng piso kontra sa dolyar nitong Lunes, kasabay ng pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa stock market.

Nagsara ang palitan sa P49.705 kumpara sa P50.08 noong Biyernes. Sa loob lamang ng isang araw, nabura ng piso ang lahat ng nabawas sa halaga nito sa buong taon.

Bumabalik kasi sa stock market ang mga dayuhang mamumuhunan simula pa noong nakaraang linggo, habang tumatamlay ang merkado sa Amerika at kasunod ng deklarasyon ng gobyerno na patuloy na uunlad ang ekonomiya ngayong taon, ayon sa mga analyst.

Nakatulong din ang muling paghirang sa Pilipinas bilang "investment grade" ng Fitch Ratings. Ibig sabihin, may sapat na kakayahan ang bansa na magbayad ng utang panlabas, ayon sa analysts.

ADVERTISEMENT

Kapag lumalakas ang piso at humihina ang dolyar, bumababa ang halaga ng remittance mula sa mga OFW, pati na ang kita ng mga exporter.

Samantala, mas nagmumura naman ang halaga ng pag-angkat ng mga produkto gaya ng langis, at bayad sa utang panglabas. Ibig sabihin, maaaring bumaba ang presyo ng gasolina at kuryente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.