ALAMIN: Tapyas sa presyo ng petrolyo simula Pebrero 18

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2018 06:33 PM

Malaki-laki na naman ang bawas-presyo sa petrolyo sa ikalawang sunod na linggo at imbes na Martes, inagahan pa ito ng ilang kompanya ng langis.

Nag-rollback na alas-6 ng umaga ng Sabado ang Phoenix Petroleum.

Rollback ng Phoenix Petroleum

•Diesel - P1.30/litro
•Gasolina - P1.15/litro

Ganito rin kalaki ang rollback na gagawin ng Seaoil simula Linggo, alas-6 ng umaga.

Rollback ng Seaoil

•Diesel - P1.30/litro
•Gasolina - P1.15/litro
•Kerosene - P1.20/litro

Hindi rin nagpatalo ang Petron, Shell at PTT Philippines, bagama't mas maliit na rollback ang ipatutupad nila simula Linggo, alas-6 ng umaga.

Rollback ng Petron, Shell at PTT Philippines

•Diesel - P1.25/litro
•Gasolina - P1.05/litro
•Kerosene - P1.20/litro

Sa estimate na nakuha sa mga source sa industriya, nasa P1.20 ang iminura ng imported na gasolina, P1.30 sa imported na diesel, at P1.20 naman sa kerosene.
    
--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.