ALAMIN: Paano nga ba dapat alalahanin si Andres Bonifacio? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Paano nga ba dapat alalahanin si Andres Bonifacio?

ALAMIN: Paano nga ba dapat alalahanin si Andres Bonifacio?

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 30, 2022 09:06 AM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Ngayong Miyerkules, Nobyembre 30, ginugunita ng Pilipinas ang kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio.

Pero ano nga ba ang dapat na matandaan ng mga Pilipino tungkol sa magiting na bayani?

Sa isang panayam sa TeleRadyo, sinabi ng historian na si Professor Xiao Chua na dapat alalahanin ng mga Pilipino ang katapangan ni Bonifacio.

“Yung katapangan ni Andres Bonifacio ay hindi tsismis, siyempre, kasi alam naman natin na si Andres Bonifacio, nagbasa kasi siya ng mga aklat at natutuhan niya na nagkaroon ng rebolusyon sa Pransya, sa Amerika, kaya sabi niya naku, kung pwede silang lumaya, tayo din, pwedeng lumaya,” aniya.

ADVERTISEMENT

“Isang role niya sa kasaysayan ay pagbibigay ng pag-asa sa maraming Pilipino na ipaglaban ang isang bagay na napakahirap isipin noon--ang kalayaan ng bansa, ng kanilang mga anak at kanilang mga apo,” dagdag pa niya.

Ayon kay Chua, si Bonifacio rin ang nagtatag ng pinakaunang pamahalaang mapaghimagsik sa bansa.

“Yun yung pagkakaroon ng haring bayan, yung konsepto na ang hari ang bayan ay isang demokratikong konsepto,” paliwanag niya.

Kay Bonifacio din aniya nagmula ang ideya na ang kalayaan ang magdudulot ng kaginhawaan sa mga Pilipino.

“Nasa mga writing nila ito sa Katipunan. Kaya dapat, kung malaya ang bansa, maginhawa din ito. At yung kaginhawaan para sa maraming Pilipino, sa sikolohiyang Pilipino, ay dinudulot ng isang mabuting kalooban.”

“So yung pagiging mabuting tao, maginhawang Pilipino, at yung mas pagiging malaya ay hindi mahihiwalay kaya nga dapat sana, kahit hindi tayo perpekto, nagiging makatwiran yung ating mga galaw bilang isang bayan para talagang guminhawa ang Pilipinas at tunay na lumaya,” ani Chua.

Patuloy na hinikayat ni Chua ang publiko na magbasa ng mga libro at manood ng mga pelikula at dokumentaryo tungkol kay Bonifacio at iba pang mga bayani.

--TeleRadyo, 30 Nobyembre 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.