PatrolPH

DOE, Meralco naglabas ng tipid tips sa kuryente

Karen de Guzman, ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2023 09:50 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Hindi lang temperatura ang tumataas sa panahon ng tag-init, kundi maging ang electric bill.

Kaya upang maging energy efficient ngayong papalapit na summer, naglabas ang Department of Energy at Meralco ng tips kung paano makakatipid sa pagkonsumo ng kuryente.

Isa na rito ang pagbubukas ng refrigerator tuwing meron łamang importanteng kukunin.

Ugaliin ring patayin ang mga ilaw kung hindi ginagamit dahil, ayon sa DOE, 15 porsyento ng electric bill ay galing sa konsumo ng mga lighting fixtures sa loob ng bahay.

Tanggalin sa saksakan ang mga appliances na hindi ginagamit.

Hinihimok rin ng DOE ang paggamit ng inverter at LED technology para makatipid ng higit P500 kada buwan.

Hinihikayat naman ng Meralco ang publiko na gamitin ang kanilang appliance energy calculator para malaman kung aling gamit sa bahay ang may malakas na konsumo ng kuryente.

Magkakaroon ng dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan ng Marso dahil sa pagtaas ng generation charge dulot ng Malampaya maintenance noong Pebrero.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.