Pagsisimula ng SEA Games torch relay itinuloy sa kabila ng aftershocks
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagsisimula ng SEA Games torch relay itinuloy sa kabila ng aftershocks
ABS-CBN News
Published Oct 30, 2019 07:58 PM PHT
|
Updated Oct 30, 2019 08:56 PM PHT

Itinuloy pa rin ngayong Miyerkoles ang 2019 Southeast Asian (SEA) Games torch relay sa lungsod ng Davao sa kabila ng mga nararanasang aftershock kasunod ng magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Mindanao.

Nasa higit 2,000 runner ang nakilahok sa 5 kilometrong torch relay, kasama ang SEA Games mascot na si Pami.

Nanguna ang 8 torch bearers, kabilang ng mga champion athletes na tubong-Davao, gold medalist sa AIBA Women's World Boxing Championships na si Nesthy Petecio, gold medalist sa Asian Sambo Championships 2019 na si Sydney Tancontian, at double bronze medalist sa wakeboarding sa 2015 SEA Games na si Mikee Selga.

Dumalo rin ang mga opisyal ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee, Philippine Sports Commission, at Philippine Olympic Committee.

Guest of honor naman si Sen. Christopher "Bong" Go, Davao Vice Mayor Sebastian "Baste" Duterte, at aktor na si Robin Padilla.

Davao ang unang lokasyon ng SEA Games torch relay. Susunod naman ay sa Cebu sa Nobyembre 16.

Iikot din ang SEA Games torch sa Maynila at Clark Freeport hanggang sa opening ng SEA Games sa Philippine Arena sa Nobyembre 30.

-- Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
2019 SEA Games
Southeast Asian Games
Mindanao
Davao City
torch relay
lindol
aftershock
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT