Higit 200 trabaho alok ng Kuwait Airways sa mga Pinoy | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 200 trabaho alok ng Kuwait Airways sa mga Pinoy

Higit 200 trabaho alok ng Kuwait Airways sa mga Pinoy

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

KUWAIT - Nangangailangan ng 200 manggagawang Pinoy ang Kuwait Airways, ang flag carrier ng bansang Kuwait.

Matapos ang matagumpay na recruitment ng Kuwait Airways ng higit 400 manggagawang Pinoy noong November 2018, ngayong taon muli nilang binuksan ang ilang trabaho para sa mga Pinoy workers.

Pupunta sa Pilipinas ang recruitment team ng airline para mag-interview ng mga aplikante mula March 15-22 para sa mga nais mag apply bilang cargo staff. Sa April 15 naman isasagawa ang interview para sa mga nais mag apply bilang aircraft engineers at technicians.

Ayon kay Ezz Eldin Al Hasawi, cargo deputy director ng Kuwait Airways cargo operations, bukas ang mga posisyon para sa mga babae at lalaki. Naglalaro mula P37,000 hanggang P59,000 ang suweldo ng mga nais mag trabaho sa cargo department, at posible namang sumweldo ng mula P67,000 hanggang P257,000 ang mga matatanggap na aircraft engineer at mga aircraft mechanic.

Kasama na sa sahod ang food allowance at tirahan. May libreng transportation din at libreng air ticket pauwi ng Pilipinas matapos ang 2 taong kontrata.

ADVERTISEMENT

Umagang Kay Ganda, March 8, 2019

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.