East Avenue Medical Center, handa na sa mga biktima ng paputok | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

East Avenue Medical Center, handa na sa mga biktima ng paputok

East Avenue Medical Center, handa na sa mga biktima ng paputok

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Handa na ang mga doktor at nurse sa East Avenue Medical Center sa Quezon City. Pagpatak kasi ng hatinggabi ngayong Martes, posibleng may mga maisugod bunsod ng aksidente sa paputok. Mula sa East Avenue Medical Center, i-Bandila mo, Dexter Ganibe.—Bandila, Martes, 31 Disyembre, 2019

ADVERTISEMENT

70 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog Caloocan City

70 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog Caloocan City

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Natupok ang isang residential area sa Natividad St. Bgy 81, Caloocan, mag-a-alas singko, Miyerkules ng hapon. 

Ayon sa Bureau of Fire Protection, agad nilang itinaas sa ikalawang alarma ang sunog kung saang aabot sa halos dalawampung fire trucks ang mga rumesponde. 

50 malalaking bahay na ginawang 200-300 sub units ang natupok ng apoy. 

"50 houses, 70 families. 2x2 yung laki ng bahay puwedeng umabot ng ganun [na 200 units]" sabi ni Fire Senior Inspector Elyzer Leal, Acting Deputy Fire Marshal ng BFP Caloocan. 

ADVERTISEMENT

"Sa ngayon ang estimate ko around 200-300 kasi mga rooms yan. Mga bahay na yan dinidivide nila in rooms iba ibang pamilya nakatira," paliwanag ni Barangay Chairman Lenerma Coronel. 

Ayon sa BFP Caloocan, pasado alas sais ng gabi nang ideklarang fire under control ang sunog. Electrical wiring ang isa sa iniimbestigahan nilang sanhi ng apoy. 

"Ganyan po kasi pagka illegal settlers po ang nakatira, usually overloading ng kuryente ang dahilan. As per witnesses ang sabi ay illegal connection pero under investigation pa po ito," sabi ni Leal. 

"Challenge sa amin yung mga makukulit na tao, on going pa ang operation pasok sila ng pasok. Crowd control kami nahirapan," dagdag niya. 

Nasa apat naman ang naitalang nasugatan sa insidente, habang may dalawang residente ang nawawala. 

ADVERTISEMENT

"May mga nasugatan, dahil sa pagtalon. May nakuryente na fire volunteer, given na yan, na kapag squatters area, kailangan mag-ingat during the operation, okay naman na po siya," sabi ni Leal. 

"Inaalam pa po ng mga rescue team [kung may nawawala] May bumalik daw po na isang lalaki na hindi na raw nakalabas pero inaalam pa namin kung talagang hindi nakalabas," dagdag niya. 

Kwento naman ni Chairman Coronel, "Yung pamilya nasa barangay, yung anak niya kanina pa hinahanap. 16 years old, babae." 

Dadalhin sa isang simbahan at 3 covered courts ang mga apektadong pamilya, na magsisilbing pansamantalang tuluyan nila. 

Kasalukuyang nagsasagawa ng mopping up operation ang BFP at rescue operation para sa mga naiulat na nawawala.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.