Tulong, hiling para sa batang nabalian ng buto sa landslide sa Puerto Princesa | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tulong, hiling para sa batang nabalian ng buto sa landslide sa Puerto Princesa

ABS-CBN News
Published Dec 23, 2021 07:53 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Doble dagok ang inabot ng isang pamilya dahil matapos na lamunin ng putik ang kanilang bahay dahil sa pagguho ng lupa, nabalian pa ng buto ang kanilang bunsong anak sa kasagsagan ng bagyong Odette sa Puerto Princesa, Palawan.

Ayon kay Alma Sevilla, biglang nagkaroon ng pagguho ng lupa sa kanilang lugar sa Barangay Binduyan sa kasagsagan ng bagyo. Rumagasa ang putik sa kanilang bahay na ikinasira ng pader.

Dito naipit ang kanang paa ng anim na taong gulang niyang anak na si Queenie.

“Nung nangyari ang landslide, wala po ako sa bahay nun. Nasa bayan po ako, nagtatrabaho. Kasama ng anak ko yung mama at papa ko po. Bale, tatlong pamilya po kasi ang sumilong sa bahay nung bagyo na yun. Lahat po sila, may injury. Tapos yung anak ko po na bunso yung malala ang tama po,” kwento ni Sevilla.

ADVERTISEMENT
Sa panayam sa TeleRadyo Huwebes ng umaga, sinabi ni Sevilla na inabot pa ng apat na araw bago tuluyang madala sa ospital ang kaniyang anak.

“Hindi po namin alam na bali po yung buto. Akala namin, may tumuhog lang sa binti niya na kahoy o bakal. Sobrang pain na nararamdaman niya. Iba na shape ng paa niya. Kahit gusto naming dalhin sa ospital, ‘di namin magawa nang ‘di namin siya mabiyahe. Buti na lang, may nag-rescue doon na coast guard, sinabay kami, sinakay sa speedboat para madala sa bayan,” sabi niya.

Miyerkoles nang maoperahan na ang kaniyang anak at nalagyan na ng bakal ang nabaling buto.

“Humihingi po ako ng tulong pinansiyal para po pambili ng gamot ng anak ko at pambayad na rin po dito sa ospital. Kasi po, hindi namin alam kung saan kami kukuha ng pambayad. Alam ko rin po na lahat tayo may kaniya-kaniyang problema, pero kahit magkano lang po,” sabi niya.

Para sa mga nais na tumulong sa anak ni Sevilla, maaaring magpadala ng donasyon sa GCash:

Alma Sevilla
0909 653 8669
Alma Sevilla
0909 653 8669
- TeleRadyo 23 Disyembre 2021
Read More:
Lingkod Kapamilya
TeleRadyo
nabalian ng buto
Bagyong Odette
Typhoon Odette
Odette
regions
regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT