Paglalayag muli ng mga barko, wala pang abiso: PPA | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paglalayag muli ng mga barko, wala pang abiso: PPA

ABS-CBN News
Published Dec 17, 2021 04:36 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA— Naghihintay pa ng abiso ang Philippine Ports Authority (PPA) kung kailan muling mapapayagan ang paglalayag ng mga barko sa dagat sa harap ng pananalasa ng bagyong Odette.
“'Yun pong mga pantalan natin na apektado pa rin ng bagyong Odette ay hindi pa rin nagli-lift ng suspension ng voyage ang Philippine Coast Guard. Habang wala pang byahe kami ay naglilinis po sa ating mga pantalan. Naapektuhan po ng storm surge 'yung ibang pantalan nating tinamaan ng Odette,” pahayag ni PPA general manager Jay Santiago.
Sa panayam sa TeleRadyo Biyernes ng umaga, sinabi ni Santiago na maging ang mga kawani nila na 24/7 ang operasyon ay kinailangan nilang ilikas dahil malakas ang ulan at tama ng hangin at alon sa ilang mga pantalan.

“Ngayon po ang ginagawa natin we are trying to restore po 'yung electricity, pati po facilities natin. May superficial damage po tayo sa ating mga facilities. Wala pa po tayong biyahe sa mga apektadong lugar. Hintayin po natin ang abiso ng Philippine Coast Guard kung magsisimula na po silang mag biyahe,” sabi niya.

Ikinaalarma din ni Santiago ang ilang mga kawani nila sa mga terminal ng PPA na binayo ng bagyo ang hindi pa nila makontak.

“Gusto kong makipanawagan sa mga kasama natin sa PPA sa mga probinsiyang tinamaan ng bagyong Odette. We are trying to contact them, karamihan ng terminal natin may satellite phone 'yan, baka down din po 'yung system siguro. Hangga’t maaari kung pwedeng makipag-coordinate po sila sa pinakamadaling pagkakataon para alam natin na sila ay ligtas at maayos,” sabi niya.

ADVERTISEMENT
Pero nag-utos na rin sila mula sa kanilang base ports na puntahan ang mga pantalan at magsagawa ng manual check ng mga personnel para matiyak na maayos ang lahat.

Samantala, kumakalap pa rin ng detalye ang PPA tungkol umano sa isang barge na lumubog sa kasagsagan ng bagyo sa may bandang Bohol.

“Sa pagkaka-report sa atin, may isang barge na lumubog, sa Central Visayas, if I’m not mistaken around the area of Bohol,” sabi niya.

Hiling naman niya sa mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa mga shipping lines at mga balita kung kailan muling mapapayagang makabiyahe ang mga barko.

- TeleRadyo 17 Disyembre 2021
Read More:
Philippine Ports Authority
PPA
paglalayag sa dagat
Bagyong Odette
Typhoon Odette
TeleRadyo
Jay Santiago
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT