Mamimili sa Divisoria, dumarami na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mamimili sa Divisoria, dumarami na
Mamimili sa Divisoria, dumarami na
ABS-CBN News
Published Dec 15, 2020 12:38 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Dumarami na ang namimili ng pangregalo sa Divisoria lalo na’t 10-araw na lamang at Pasko na.

Magdamagan na ang operasyon ng mga tiangge sa Ilaya Street sa Tondo at maaga na rin nagbubukas ang mga stall sa may Binondo.

Damit ang pinakamabiling pangregalo ng mga namimili lalo na para sa mga bata.

Dahil marami ang naapektuhan sa pandemya at gipit, mga bata lang muna ang karamihang reregaluhan nila, ayon sa ilang mamimili.

Nasa P150 ang mga blouse para sa mga bata. Mabenta din ang mga terno na pajama na mabibili sa 2 for P180.

Para sa matatanda, sweatshirt ang madalas na hinahanap ng mga mamimili lalo’t lumalamig na ang panahon.

Tumaas naman ang presyo ng mga gift wrapper na nasa P4.00/piraso na dati nabibili lang sa P1.00 hanggang P3.00.

Ayon sa mga nagtitinda, matumal ang bentahan ngayon kumpara noong nakaraang taon pero umaasa silang makababawi pa rin kahit papaano sa mga susunod na mga araw.

Kaniya-kaniya namang diskarte ang mga mamimili at nagtitinda kung paano makatipid at makaiwas sa COVID-19 habang namimili

- TeleRadyo 15 Disyembre 2020
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT