14 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Makati | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
14 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Makati

ABS-CBN News
Published Dec 10, 2020 10:25 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Umabot sa 14 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumupok sa kanilang apartment units sa Novaliches Street, South Avenue sa Barangay Olympia, Makati City, Huwebes ng umaga.

Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection ng Makati City, alas-5:33 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng apartment.

Dahil gawa sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy at natupok ang walong unit ng apartment.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog pero wala naman nasugatan o nasawi sa insidente.

ADVERTISEMENT
Tinatayang aabot sa P200,000 ang halaga ng natupok na ari-arian.

Samantala, pansamantalang tumuloy sa covered courts ang ibang nasunugan habang ang ilan ay sa kanilang mga kamag-anak muna titira.

Naapula ang apoy alas-6:34 ng umaga pero patuloy na inaalam pa ng awtoridad ang naging sanhi nito.

- TeleRadyo 10 Disyembre 2020
Read More:
Bureau of Fire Protection
Makati fire
Makati City
Sunog sa Makati
Tagalog news
Metro news
TeleRadyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT