Baguio City balak taasan ang entrance fee ng Botanical Garden | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Baguio City balak taasan ang entrance fee ng Botanical Garden

Baguio City balak taasan ang entrance fee ng Botanical Garden

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Balak taasan ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang entrance fee sa Botanical Garden sa lungsod.

Ayon kay Atty. Rhenan Diwa ng Baguio City Environment Parks and Management Office, tumaas na ang maintenance and operating expenses ng nasabing parke.

“Mula po sa P10, sina-suggest po namin, pino-propose po namin na itaas ng P100 para po sa mga turista, at P50 po para sa mga residente po ng Baguio. At siyempre po may mga discount po para sa mga senior citizens, at libre po sa mga bata 12 years old pababa,” aniya.

Paliwanag ni Diwa, “Tiningnan po namin yung mga expenses na ini-incur po namin mula po nung naiayos namin yung Botanical Garden... Nag-increase po talaga nang 50 percent yung mga utility bills natin ng tubig, kuryente, at kinailangan po nating mag-hire ng mga panibagong casuals para po ma-maintain yung malawak na botanical garden.”

ADVERTISEMENT

“Yung requirement din po ng planting materials ng halaman ay talaga naman pong mataas at kailangan po natin siyang ayusin every 3 months, kasi mostly ng mga halaman naman ay seasonal, seasonal flowers,” dagdag niya.

Baguio Botanical Garden. Larawan mula sa Baguio City Public Information Office
Baguio Botanical Garden. Larawan mula sa Baguio City Public Information Office

Ani Diwa, gagamitin din ang entrance fee para magtayo ng bagong community parks sa mga parke.

Wala naman aniyang plano ngayon na mangolekta ng entrance fee sa iba pang parke sa Baguio katulad ng Burnham Park at Wright Park.

Mahalaga rin aniya na maging self-sustaining ang Botanical Garden.

“Gusto naman natin na mai-offer sa mga turista, maging sa mga residente yung kung ano yung yaman ng Baguio, yung mga bulaklak na nakikita nila, yung halaman, at kung gusto natin gawin ito ay kailangan talaga na maging self-sustaining yung Botanical Garden,” dagdag niya.

— TeleRadyo, 8 Disyembre 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.