PatrolPH

LRT-1 Roosevelt Station, muling binuksan sa publiko

Karen de Guzman, ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2022 06:52 AM | Updated as of Dec 05 2022 12:04 PM

Watch more on iWantTFC

Magandang balita para sa mga pasahero ng LRT-1! Matapos ang mahigit dalawang taon, muling binuksan ang Roosevelt Station sa Quezon City ngayong araw. 

Matatandaan na pansamantalang isinara ang istasyon ng Roosevelt noong September 5, 2020 para sa pagtatayo ng gobyerno ng Common Station o Unified Grand Central Station na mag-uugnay sa LRT-1, MRT-3 at MRT-7 para sa mas mabilis na paglipat ng mga pasahero.

Naging matagumpay ang readiness tests, trial runs, at iba pang maintenance works na isinagawa ng Light Rail Manila Corporation sa buong linya ng LRT-1 nitong nakaraang weekend dahilan para pansamantalang itigil ang operasyon ng mga istasyon.

Ayon sa LRMC, kasunod ng pagbabalik-operasyon ng Roosevelt Station, may panibagong schedule rin sila na ipatutupad.

Samantala, malaking ginhawa naman ito para sa mga pasaherong bumabiyahe mula North.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.