Ginang na may 8 anak, patay sa panghoholdap | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ginang na may 8 anak, patay sa panghoholdap

Ginang na may 8 anak, patay sa panghoholdap

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 03, 2016 11:14 AM PHT

Clipboard

Ginang na may 8 anak, patay sa panghoholdap
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sapul sa CCTV ang panghoholdap at pamamaril ng isang lalaki sa isang ginang habang naglalakad pauwi na sa kanilang bahay.

Kampanteng naglalakad sa Faraday Street sa Barangay San Isidro, Makati ang 47-anyos na si Catalina Aguas, alas-4 ng madaling araw.

Nakasalubong niya ang isang naka-motorsiklong lalaki. Lumiko ang lalaki sa Copernico Street at sinalubong si Aguas.

Bumaba siya ng motorsiklo at hinablot ang bag ni Aguas.

ADVERTISEMENT

Hinampas pa ng baril ng lalaki si Aguas hanggang sa matumba siya. Pero hindi pa rin niya ibinigay ang bag kaya doon na siya pinaputukan ng suspek.

Tumakas ang holdaper tangay ang bag ni Aguas.

Dead on the spot sa isang tama ng bala sa ulo ang biktima na isang kahera sa restaurant sa Maynila.

“Wala kang awa. Ang pinatay mo isang single mother nagtataguyod sa walong anak. Hindi ka nakonsensiya. Sana ang ipinakakain mo sa mga anak mo kung meron ka mang anak hindi galing sa pagnanakaw hindi ka naming mapapatawad,” sabi ni Ellen Aguas, kaanak ng biktima.

“Wala silang awa. Parang wala silang nanay. Lahat po aakuin niya mabuhay lang kami. Sobrang mahal na mahal ko yun,” sabi ng isa sa kanyang mga anak na si Kaecelyn Balibol.

ADVERTISEMENT

Ilang hakbang na lang noon sa kanilang bahay si Aguas nang mangyari ang pamamaril.

Isa sa mga anggulong sinisilip ng pulisya ang impormasyong may bitbit umanong malaking pera ang biktima galing sa paluwagan na posibleng dahilan bakit siya nakipambuno para hindi maibigay ang bag sa holdaper.

Hustisya at mabilis na aksiyon ng pulisya ang sigaw ng mga kaanak ng biktima.

Samantala, arestado naman ang tatlong umano’y miyembro ng notoryus na robbery group at drug dealer sa second district ng Makati na sina Rogelio Agner Dulatre, Brian Cultura Casno at Andy Martin Larin.

Sugatan at naka-hospital arrest ang lider ng grupo na si Jonathan Lanuso.

Pero napatay sa follow-up operation ang kasamahan nilang si Ronald Gogolin matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis.

Nabawi naman ang motorsiklong kinarnap ng grupo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.