Pinsala dahil sa pagbaha sa San Mateo, Rizal higit P130 milyon na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinsala dahil sa pagbaha sa San Mateo, Rizal higit P130 milyon na

Pinsala dahil sa pagbaha sa San Mateo, Rizal higit P130 milyon na

ABS-CBN News

Clipboard

Pinsala dahil sa pagbaha sa San Mateo, Rizal higit P130 milyon na
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Umabot na sa higit P130 milyon ang halaga ng mga nasalanta sa bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Rizal matapos ang pagbahang dulot ng bagyong Ulysses.

“Nag-risk assessment kami. Damage to infrastructure sa government facilities nasa P100 million. Damage to crops nasa P15 million, farm implements nasa P22 million,” pahayag ni Vice Mayor Paeng Diaz.

Ayon kay Diaz na nagsisilbing acting mayor dahil kasalukuyang nagpapagaling pa ang kanilang alkalde mula sa COVID-19, hindi pa kasama sa kanilang partial assessment ang mga bahay na nasira ng bagyo.

“Halos nasa one third ng IRA (internal revenue allotment) namin 'yun partial assessment pa lang,” sabi ni Diaz sa panayam sa TeleRadyo.

Wala na rin baha sa bayan pero may nasa 1,700 resident pa ang nananatili sa mga evacuation center.

ADVERTISEMENT

“Kasagsagan ng bagyo, hangin tinangay 'yung bubong tapos dumating 'yung mataas na flood, bahay naman 'yung tinangay. Pagbalik flooring na lang natira. Matindi ito kaysa Ondoy nating nakaraan,” sabi niya.

Dagdag ni Diaz, may mga naging biktima ng Ondoy dati na nagpataas ng kanilang bahay ang inabot pa rin ng baha ngayon.

- TeleRadyo, 18 Nobyembre 2020

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.