5 patay, higit 280 pamilya naapektuhan sa sunog sa Navotas | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 patay, higit 280 pamilya naapektuhan sa sunog sa Navotas

5 patay, higit 280 pamilya naapektuhan sa sunog sa Navotas

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 15, 2022 08:47 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA (UPDATE) — Limang tao ang namatay sa sunog na sumiklab sa Navotas City nitong Lunes, kung saan higit 280 pamilya ang nawalan ng tirahan, ayon sa mga awtoridad.

Kasama umano sa mga nasawi ang isang 40-anyos na ginang at ang 2-taong-gulang nitong anak.

Halos 5 oras ang itinagal ng sunog sa Barangay Bagumbayan North, na umabot sa Task Force Alpha. Bandang alas-9:22 ng gabi nang magdeklara ng fire out ang Bureau of Fire Protection.

Ayon sa mga fire volunteer, mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay at makipot ang mga eskinita kaya nahirapang makapasok ang mga bombero.

ADVERTISEMENT

Sinasabing nagsimula ang apoy sa pumutok na linya ng kuryente sa ikalawang palapag ng isang bahay.

Sa laki ng sunog, kumalat din ang apoy sa katabing Barangay Navotas West.

Nasa higit 280 pamilya ang nasunugan at pansamantalang tumutuloy sa isang COVID-19 facility, ayon sa city social welfare department. Hindi kasi umano puwedeng ipagamit ang mga paaralan dahil may pasok na ngayon ang mga estudyante.

Nagbigay na ng paunang ayuda ang lokal na pamahalaan ng Navotas pero nanawagan pa rin ang mga nasunugan para sa mga damit at materyales para muling maitayo ang kanilang mga bahay.

— Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.