Pres. Duterte hindi nagustuhan ang pagtakbo ng kanyang anak bilang VP | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pres. Duterte hindi nagustuhan ang pagtakbo ng kanyang anak bilang VP

Pres. Duterte hindi nagustuhan ang pagtakbo ng kanyang anak bilang VP

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 14, 2021 07:00 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Hindi nagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo bilang bise presidente ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Inamin ng pangulo na siya ang nagkumbinsi kay Senador Bong Go na tumakbong presidente at itotodo nito ang suporta sa kanya. Nagpa-Patrol, Joyce Balancio. TV Patrol, Linggo, 14 Nobyembre 2021.

ADVERTISEMENT

Estudyanteng na-kidnap sa Taguig, na-rescue ng PNP at AFP

Estudyanteng na-kidnap sa Taguig, na-rescue ng PNP at AFP

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 26, 2025 06:34 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Inihayag ng Philippine National Police na na-rescue na ng tauhan ng kanilang Anti-Kidnapping Group, National Capital Region Police Office at ng Armed Forces of the Philippines ang isang 14-taong gulang na estudyante na dinukot noong February 20 paglabas sa kanyang eskwelahan sa Taguig City.

Inabandona siya sa Macapagal Avenue sa Parañaque City, Martes ng gabi. 

Ayon sa spokesperson ng PNP na si Police Col. Randulf Tuanio, na-pressure na lang ang mga kidnapper na ilabas na ang biktima, lalo't pinaalam sa mga suspek sa tulong ng intel na nakatutok na ang mga pulis sa kanila.

Ayon sa AKG, koneksyon sa POGO ang tinitingnan nilang motibo ng pagdukot.

ADVERTISEMENT

“Initially, ang isa sa miyembro ng pamilya ay dating involved sa business ng POGO kung saan ang pinag-usuapan po nila ay yung pagbabayad ng di mabayarang utang,” sabi pa ni Tuaño.

Sa ngayon, nagpapagaling daw sa ospital ang biktima.

"Base sa tinutumbok ng director ng AKG ito ay between Chinese at Chinese. Sa ngayon po, ongoing ang investigation." 

Sa isang briefing sa Malacañang, sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na naniniwala ang mga otoridad na kunektado nga sa POGO ang kaso at na humingi ng ransom na $20 million ang mga kidnapper para palayain ang estudyante.

"We are definitely sure na ang sindikato na nasa likod ng kidnapping ay former operators ng POGO din," sabi niya.

Dagdag niya, nakakuha na ang AKG ng impormasyon tungkol sa mga kidnapper mula sa ibanandonang sasakyan na iniwan sa Bulacan. Doon din nakita ang bangkay ng driver ng biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.