Kagawad na nanalo sa halalan binaril sa Pasay City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kagawad na nanalo sa halalan binaril sa Pasay City

Kagawad na nanalo sa halalan binaril sa Pasay City

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sapul sa CCTV ang malapitang pamamaril sa isang bagong halal na kagawad ng Barangay 37 sa Pasay City pasado alas-5 ng hapon nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Lina Camacho na 13 taong nagtrabaho bilang barangay treasurer bago kumandidato nito lamang nakaraang halalan.

Base sa ulat ng Pasay City Police Station, nakaupo sa loob ng barangay hall ang biktima nang dumating ang riding-in-tandem.

“Dalawa silang suspek sakay ng motorsiklo. Kalmadong tumingin sa labas ng barangay at binaril. Tagos dun sa glass door, hindi na sila pumasok. Pinaputukan siya ng dalawang beses,” ayon kay PMaj. Christel Carlo Villanueva, commander ng Substation 1 ng Pasay CPS.

ADVERTISEMENT

“According sa ating SOCO, isa lang ‘yung tama. Sa likod, tumagos sa leeg. ‘Yung pangalawang bala na ipinutok ay tumama sa railings ng glass door,” dagdag ni PMaj. Villanueva.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklarang patay pasado alas-8 ng gabi.

Sa imbestigasyon ng pulisya, isa ang pulitika sa tinitingnang motibo ng krimen.

“Isa sa mga anggulong tinitingnan is ‘yung sa pulitika dahil bago siyang elected na barangay kagawad ng Barangay 37. Posibleng anggulo din is ‘yung sa mga pautang o sa negosyo,” sabi ni PMaj. Villanueva.

Agad namang naaresto ang isa sa mga suspek matapos mahabol ng mga pulis. Hindi nito inamin ang pagkakasangkot sa krimen pero humingi siya ng pasensya sa pamilya ng biktima.

Patuloy ang pagtugis sa gunman pero tukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan nito.

Mahaharap ang mga suspek sa reklamong murder.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.