Guro namigay ng radyo, USB drive sa mga mag-aaral bilang tulong sa distance learning | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Guro namigay ng radyo, USB drive sa mga mag-aaral bilang tulong sa distance learning

Guro namigay ng radyo, USB drive sa mga mag-aaral bilang tulong sa distance learning

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA— Isang guro sa Masbate City ang nakahanap ng epektibong paraan para maturuan ang kaniyang mga mag-aaral sa distance learning.

Umani ng paghanga si teacher Mary Jean “Jin” Llavares sa pagtulong nito sa kaniyang mga estudyante na magkaroon ng transistor radio with built in MP3 player at USB flash drive kung saan naman niya inire-record ang mga lesson sa science subject na kaniyang itinuturo sa Nursery Elementary School sa Masbate City.

Ayon kay Llavares, limang section ng Grade 4 ang kaniyang hinahawakan ngayong school year.

Kwento ng guro sa programang Lingkod Kapamilya sa TeleRadyo, kanilang ipinapatupad ang printed modular distance learning magmula nang isara ang mga paaralan dahil sa pandemya. Nito ring nakaraang taon ay naging bahagi siya ng radio-based instruction para mabigyang gabay ang mga estudyante.

ADVERTISEMENT

“Habang nagra-radio po naisip ko ang ganda ng programang RBI, sana makaabot sa mga estudyante ko kasi pinaghihirapan po ng mga guro 'yung pagsusulat ng script nila tapos 'yung courage din na humarap sa camera at mag-broadcast ng lessons. Sabi ko sayang naman sinusulat ng mga guro sana makarating sa mga estudyante ko kaya humingi ako ng tulong sa mga kaklase ko, sabi ko pahingi naman ng pambili ng radyo para sa mga estudyante ko,” sabi niya.

Sa ngayon, isang section pa lamang ang nabigyan niya ng mga radio at USB flash drive.

Inire-record ni Llavares ang kaniyang lesson sa USB drive para maintindihan nang mas mabuti ng kaniyang mga mag-aaral. Ang kagandahan aniya dito ay puwedeng balik-balikan ng mag-aaral ang mga lecture.

“Gusto kong maka-connect sa mga estudyante ko. Gusto kong ako ang magtuturo sa kanila. Gusto ko, I can make a difference this year para sa kanila,” sabi niya.

Maagang nagpaabot naman ng pasasalamat si Llavares sa mga magbibigay ng tulong para sa kanilang programa.

“Nagpapasalamat po kami na napansin kami at nabigyan ng oportunidad na makahingi ng tulong na mabigyan ang ibang bata sa ibang section sa grade 4,” sabi in Llavares.

Sa mga nagnanais na tumulong, sinabi ni Llavares na ang budget para sa isang set ng radyo at USB flash drive ay P500 kada estudyante. Maaari lamang ipadala ang donasyon sa kaniyang GCash account na 0977-803-8476.

- TeleRadyo 4 Nobyembre 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.