Mga drayber, operator ng taxi nanawagang masama sa fuel subsidy | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga drayber, operator ng taxi nanawagang masama sa fuel subsidy

Mga drayber, operator ng taxi nanawagang masama sa fuel subsidy

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA—Nananawagan ang mga drayber at operator ng taxi na sana’y maisama sila sa listahan ng mga makakatanggap ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.

Kamakailan lang ay inaprubahan na ng gobyerno ang pamimigay ng fuel subsidy na may kabuuang halagang P1 bilyon sa mga drayber ng mga pampublikong sasakyan.

“Alam mo itong P1 billion na ito dala ito doon sa probisyon sa TRAIN Law kung saan ’yung excise tax, dagdag excise tax na pinapataw sa fuel ay dapat magamit sa fuel subsidy,” ani Bong Suntay, pangulo ng Philippine National Taxi Operators Association, sa panayam sa Teleradyo nitong Martes.

“Ang pinagtataka nga natin ang bibinigyan subsidy lang mga public utility jeeps at hindi naisama ’yung iba pang modes ng public transportation natin dito sa subsidy na ibibigay.”

ADVERTISEMENT

Ayon kay Suntay, nakahanda na silang umapela sa gobyerno para sa ayudang ito.

“Hinanda na namin ’yung ating sulat sa (Land Transportation Franchising and Regulatory Board), which will be the one who will implement itong pagbibigay ng subsidiya dito sa ating mga public utility jeeps, which should be actually public utility vehicles dapat ’yan, hindi public utility jeeps lang,” mungkahi ni Suntay.

Kuwento niya, karamihan sa mga tsuper ng taxi ay gumagamit ng gasolina o LPG, na pareho nang nagtaas ng presyo.

“Majority ng ating mga taxi ang ginagamit nito na fuel either gasolina or LPG, both of which talagang has increased in price tremendously. Kaya nga sana ay makita rin ng ating, ng LTFRB at ng (Department of Transportation) ang kalagayan ng ating taxi industry,” sabi ni Suntay.

Ani Suntay, lubos nang naapektuhan ang mga operasyon ng mga taxi dahil sa mga lockdown, curfew, at limitadong work hours sa mga opisina.

“Almost 1 year 9 months na siyempre nagsa-suffer ’yung operations ng mga most ng taxi drivers at taxi operators,” dagdag niya.

“Initially nu’ng parteng March due to the extreme lockdown na dinanas natin then after the extreme lockdown, ’yung mga pocket lockdown naman kung saan. Well, madami. Madaming mga taxi ang hindi nakakabiyahe at madami rin, mga opisina, mga tindahan mga malls ang hindi pinayagan magbukas na nakaapekto sa mananakay ng taxi.”

Dagdag pa niya, marami nang taxi operators ang binitawan na ang kanilang mga prangkisa dahil nalulugi na sila.

“Madami sa mga miyembro namin ang napilitang tumigil dahil alam mo pagka fleet operator ka, whether or not na bumibiyahe ’yung taxi mo, nagbabayad ka ng supervision fee, ng of course ng registration mo, ng insurance mo, marami kang binabayaran,” ani Suntay.

“Hindi naman lahat ng unit mo bumibiyahe, at hindi lahat rin kahit may drayber ka, hindi lahat gustong maglabas dahil sa hina ng kita so madaming operator ang hindi lang hindi nagbiyahe ng sasakyan pero nagdrop na ng kanilang mga taxi franchises para to cut down yung losses nila.” — TeleRadyo, 2 November 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.