Batangas, naghahanda na sa pagdating ng bagyong Rolly | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Batangas, naghahanda na sa pagdating ng bagyong Rolly

Batangas, naghahanda na sa pagdating ng bagyong Rolly

ABS-CBN News

Clipboard

Batangas, naghahanda na sa pagdating ng bagyong Rolly
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Hindi bumibitaw sa paghahanda ang lalawigan ng Batangas sa posibleng pananalasa ng bagyong Rolly.

Ito ay matapos na magtamo ng grabeng pinsala ang ilang parte ng lalawigan dulot ng nagdaang bagyong Quinta.

Ayon kay Lito Castro, ang pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Batangas, hindi aniya nawawala ang kahandaan ng lalawigan lalo’t bukod sa bagyo ay tinamaan din sila ng ibang kalamidad tulad ng pagputok ng bulkan.

“In place na ating information education, ang ating partners na local DRRMCs sa mga siyudad at munisipyo patuloy na nagpapaalala at personal na ina-attend ating mga kababayan lalo na yung nasa coastal areas,” sabi ni Castro sa panayam sa TeleRadyo Biyernes ng umaga.

ADVERTISEMENT

Bukod dito, tinitiyak din nila ang mga safety measures tulad ng early warning at gumagana gayundin ang kahandaan ng evacuation plan at centers.

“Yung ating mga responders, search and rescuers ay laging naka-ready yan,” sabi ni Castro.

Malapit na umanong umabot sa P1-bilyon ang halaga ng pinsalang inabot ng agrikultura sa lalawigan habang nasa P254-milyon naman ang tinatayang danyos sa imprastruktura.

Sa inisyal na tala ng PDRRMC, may 1,123 mga bahay na nasira at higit 8,000 naman ang partially damaged.

Inaasahang tataas pa ang mga numero dahil tuloy pa rin ang assessment sa pinsalang idinulot ng bagyong Quinta.

Isinailalim na din sa state of calamity ang buong lalawigan ng Batangas dahil sa laki ng pinsala mula sa nagdaang bagyo.

Sa forecast ng PAGASA, tatama ang mata ng bagyong Rolly sa Aurora at Quezon provinces sa Linggo ng gabi o umaga ng Lunes.

- TeleRadyo 30 Oktubre 2020

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.