Sako-sakong asukal mula Thailand hinarang sa Batangas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sako-sakong asukal mula Thailand hinarang sa Batangas

Sako-sakong asukal mula Thailand hinarang sa Batangas

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Hindi pinayagan ng Philippine Ports Authority sa Batangas na makadaong sa private port ang isang barko na may lulan na sako-sakong imported na asukal.

Ayon kay PPA Batangas Port Manager Joselito Sinocruz, galling Thailand ang MV Deryoung Sunflower na dumating sa Batangas noong October 19 lulan ang 194,000 bags ng auskal.

Nais umano ng naturang barko na makadaong sa isang private port sa bayan ng Bauan, pero hindi ito pinagbigyan ng PPA-Batangas dahil batay sa patakaran dapat ang lahat ng imported na asukal at bigas ay sa government ports lamang pwdeng magbaba at magsakay ng mga kargamento upang maiwasan ang smuggling.

Ang naturang asukal ay inimport umano ng isang beverages company.

ADVERTISEMENT

Giit ng PPA-Batangas, papayagan lamang nilang dumaong ang barko kung ito ay sa government port.

“Patungkol doon sa barko na hindi po naming pinapadikit sa isang private port ay 'yun naman po ay sinasabi na magpunta sa pinakamalapit na government ports which is dito sa Batangas. Eto pong Batangas Port mayroon din po tayo sa Bauan Port na pwede silang dumikit upang magdiskarga ng kanilang asukal," ani Sinocruz.

Hindi pa malinaw kung bakit sa private port gusto ng barko dumaong.—Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.