Mga tindahan ng kandila sa Maynila dinadagsa na bago ang Undas | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga tindahan ng kandila sa Maynila dinadagsa na bago ang Undas

Mga tindahan ng kandila sa Maynila dinadagsa na bago ang Undas

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Halos hindi magkandaugaga ang isang tindahan ng kandila sa Maynila dahil sa dami ng bumibili, isang araw bago ang Undas.

Maaga pa lang, marami na ang customer na labas-masok sa kanilang tindahan gaya nina Frederick Bustarde at Dianne Cruz na kapwa nagtitinda ng kandila sa sementeryo.

Alas-5 pa lang ng umaga ay nagtungo na sila sa tindahan. Kapag kasi tinanghali ng dating ay baka wala nang maabutang kandila at hanggang labas na ang pila.

Si Divina Lipao naman na galing pa ng Taguig City, bumili na rin ng mga kandilang sisindihan nila ng kaniyang pamilya pagdalaw sa sementeryo sa araw ng Undas.

ADVERTISEMENT

"Para makamura at hindi tayo hassle sa bibili sa kaorasan ng Undas kasi para sa mga mahal natin sa buhay kailangan nating magtutos ng kandila," ani Lipao.

Ayon sa may-ari, halos walang pahinga ang kanilang tindahan dahil sunud-sunod na pagdating ng mga mamimili.

Hulyo pa lang nagtaas na sila ng labinlimang porsyento sa presyo ng kanilang mga kandila.

Ang vigil candles na pinakamabenta sa kanila ngayong Undas ay nasa P60 to P68 ang presyo. Ang esperma candles naglalaro sa P20 hanggang P209 depende sa laki.

May tinda rin silang glass candle na nagkakahalaga ng P35 to P60. Slim candle sa P126 at jar candle naman sa P495.—Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.