LTFRB: ‘Wag tangkilikin ang mga fixer sa social media | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

LTFRB: ‘Wag tangkilikin ang mga fixer sa social media

LTFRB: ‘Wag tangkilikin ang mga fixer sa social media

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Nagpaalaala ang Land Transportation Office sa publiko na huwag tangkilikin ang mga alok na serbisyo ng mga fixer sa social media sites.

Kasunod ito ng pagkalat ng mga post sa social media kung saan nag-aalok ang ilang mga fixer na sila na ang maglalakad ng lisensya ng kanilang mga kliyente para hindi na nito kailangang sumipot sa mga opisina ng LTO.

“Ito’y klarong panlilinlang sa ating mga kababayan,” ani Atty. Alex Abaton, Special Legal Assistant to the Office of the Assistant Secretary.

Ayon kay Abaton, marami na silang kinasang operasyon kasama ang Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police laban sa mga fixers. Pero aminado siyang may mga nakalulusot pa rin sa kanila.

ADVERTISEMENT

Paliwanag ng abogado, maaari ring parusahan sa ilalim ng batas ang mga tumatangkilik ng serbisyo ng mga fixer.

“Gusto natin paalalahanan yung ating mga kababayan na hindi lang po ito kaso ng halimbawa paggamit ng pekeng driver’s license, but ultimo po yung subscriber natin dito, yung ating tumatangkilik dito, can also be held liable by the Revised Penal Code doon po sa paggamit po ng mga palsipikadong dokumento.”

Aniya, ang sinumang mahuling gumagamit ng pekeng lisensya ay maaraing pagmultahin ng P3,000. Hindi rin siya papayagang makakuha ng tunay na driver’s license o makakapagmaneho sa loob ng isang taon.

--TeleRadyo, 24 Oktubre 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.