Pila sa MRT-North Ave., umabot hanggang sa kalapit na mall | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pila sa MRT-North Ave., umabot hanggang sa kalapit na mall

ABS-CBN News
Published Oct 22, 2018 08:03 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Inireklamo ng ilang pasahero ang halos walang galawang pila sa MRT-North Avenue ngayong Lunes ng umaga.

Sa pag-iikot ng Radyo Patrol, nakitang umabot na ang northbound na pila mula sa Landmark, Trinoma hanggang malapit sa SM North, dakong 7 a.m. Mabagal din ang usad ng linya.

Walang kahit anong aberya at normal naman ang operasyon ng MRT simula 4:30 a.m., ayon kay MRT-3 maintenance director Engr. Mike Capati.

Posible aniyang bumagal ang pila dahil sa makapal na volume ng mga tao lalo na't unang araw ng work week.
Posible aniyang bumagal ang pila dahil sa makapal na volume ng mga tao lalo na't unang araw ng work week.
ADVERTISEMENT
Kasalukuyang 12 tren ang umaandar, dagdag ni Capati.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang usad ng pila sa southbound lane ng North Avenue station, kung saan nakaparada rin ang mga point-to-point (P2P) bus.

DZMM, 22 Oktubre 2018
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT