DOTr, itinangging 'di pa nababayaran mga driver sa EDSA Busway | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOTr, itinangging 'di pa nababayaran mga driver sa EDSA Busway

DOTr, itinangging 'di pa nababayaran mga driver sa EDSA Busway

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Itinanggi ngayong Martes ng Department of Transportation (DOTr) na hindi pa nababayaran ang mga tsuper ng bus na may kontrata sa EDSA Busway.

“Dito sa libreng sakay na ito, ang gobyerno po ang magbabayad through the service contracting program at binabayaran sila per kilometer run. Ibig sabihin, bawat kilometrong itinatakbo nila, sinisigurado ng gobyerno na may bayad silang kaukulan doon. P82.50 po per kilometer,” ayon kay Transportation Assistant Secretary Mark Steven Pastor.

Sabi ni Pastor, linggo-linggong nagbabayad ang LTFRB para sa mga driver ng higit 500 unit ng bus sa pamamagitan ng Land Bank.

“I understand, today may bayad silang matatanggap ulit,” sabi niya.

ADVERTISEMENT

Sakaling maaantala ang pagtanggap ng mga operator ng bus ng bayad ay maaaring dahil ang ilan sa kanila ay walang Land Bank account, dagdag niya.

“Weekly kasi ang submission ng documents. So it will take several days for them to process the documents. Isa pang rason kung bakit hindi real time matatanggap yung pera, kasi po, some of the operators do not have a Land Bank account even if we are telling them to open one para mas mapabilis yung crediting kasi may 3 to 5 days na lull time 'pag iba ang bangko because of the payout system ng ating Land Bank,” sabi ni Pastor.

Naghahanap na rin ng dagdag na bus ang DOTr para tugunan ang pagdagsa ng mga commuters na gumagamit ng bus way.

Magsusumite rin ang ahensiya ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force na dagdagan ang kasalukuyang 50 percent seating capacity ng mga pampublikong transportation.

- TeleRadyo 19 Oktubre 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.