Bagyong 'Karen' nagbabanta sa Bicol, Visayas | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagyong 'Karen' nagbabanta sa Bicol, Visayas

Bagyong 'Karen' nagbabanta sa Bicol, Visayas

ABS-CBN News

Clipboard

Bagyong 'Karen' nagbabanta sa Bicol, Visayas
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ganap nang bagyo ang sama ng panahon na maaaring magdulot ng pagbaha at landslide sa Bicol at silangan ng Visayas, inanunsyo ng state weather bureau PAGASA Huwebes.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Obet Badrina, taglay ng Bagyong Karen ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 55 kph.

Alas-5 ng umaga anya huling namataan ang tropical depression sa layong 640 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar. Mabagal itong kumikilos pa-kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 11 kph.

Inaasahang lalakas pa si Karen kaya posibleng magtaas ang PAGASA ng babala ng bagyo ngayong Huwebes o Biyernes, dagdag ni Badrina.

ADVERTISEMENT

Unang maaapektuhan ng bagyo ang Kabikulan bago ito mag-landfall sa Aurora-Isabela area, Linggo ng gabi.

Nag-abiso rin si Badrina na inaasahang magiging maulan ngayong weekend sa Gitna at Hilagang Luzon, at Metro Manila.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.