Mga kandidato sa Halalan 2022 dadaan sa pagsasala ng Comelec | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

News

Mga kandidato sa Halalan 2022 dadaan sa pagsasala ng Comelec

Mga kandidato sa Halalan 2022 dadaan sa pagsasala ng Comelec

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 09, 2021 12:46 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Umabot sa 97 ang bilang ng mga nais tumakbo para sa pinakamataas na posisyon sa bansa sa darating na Halalan 2022 nang matapos ang paghahain ng certificate of candidacy noong Biyernes, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, may 28 naman ang naghain ng COC para sa bise presidente habang 175 ang gustong tumakbo bilang senador.

“Medyo marami po tayong kandidato ngayon,” sabi ni Jimenez.

Sa panayam sa TeleRadyo Sabado ng umaga, dadaan muna sa proseso ng pagsasala sa Comelec ang mga kandidato para tiyaking hindi sila nuisance candidate.

ADVERTISEMENT

“Meron tayong iba-ibang kategorya ng nuisance candidate. Una, nag-file para lamang gawing katatawanan ang sistema. Pangalawa, 'yung nag-file para mag-create ng confusion dahil magkapareho sila ng pangalan ng mas tanyag na kandidato, at pangatlo, 'yun naman 'yung walang lehitmong intensiyong tumakbo para sa elective office na pin-file na,” paliwanag ni Jimenez.

Sabi ni Jimenez, maraming iba’t ibang paraan ang Comelec para makita kung meron talagang lehitimong intensiyon ang isang kandidato na tumakbo. Kasama na aniya dito ang kaniyang campaign strategy, plataporma, at iba pa.

“Pagkatapos nito magsasala tayo, titingnan natin. Tatanggap din tayo ng mga reklamo laban sa mga nagfile. May ganyang klaseng mosyon na pwedeng gawin sa Comelec. Mapa-finalize list ng candidates natin baka December pa,” sabi niya.

Nakatakda naman sa Nobyembre 15 ang deadline para sa substitution. Dito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na maghain ng kanilang substitution mula sa kanilang political party.

Pero paaala ni Jimenez na walang karapatan na magsubstitute ang mga independent candidate.

“Maraming independent ang nag-file so ang mga 'yan hindi magkakaroon ng right of substitution. 'Pag ang independent candidate ay nag-withdraw, that’s it. Tapos na. Wala siyang pwedeng ipalit sa kanyang tinatakbuhan,” sabi niya.

Bagama't pinapayagan ng batas, kakaiba aniya ngayon ang klase ng atake sa ideya ng substitusyon.

“In the past, ang mga kandidato natin ang inilalabas nila sa publiko ay willing silang tumakbo. Ngayon, inaamin na ng kandidato na nag-file lang sila para mabigyan ng pagkakataon 'yung mga nakatagong tao na mag-file in the future,” sabi niya.

Tumanggap ang Comelec ng COC ng mga nais na tumakbo sa pagkapresidente, bise presidente at senador sa halalan sa 2022 mula Oktubre 1 hanggang 8.

Magsisimula naman ang campaign period para sa national candidates sa Pebrero 8, 2022, at Marso 25 naman para sa mga lokal na posisyon.



- TeleRadyo 9 Oktubre 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.