Pangulong Duterte, tumaya na rin sa Ultra Lotto 6/58 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pangulong Duterte, tumaya na rin sa Ultra Lotto 6/58

Pangulong Duterte, tumaya na rin sa Ultra Lotto 6/58

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay umaasa na ring makaka-jackpot sa Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sinabi ni Special Assistant to the President Bong Go na nagpataya sa kaniya sa isang PCSO outlet sa Metro Manila si Duterte noong nakaraang linggo at ngayong araw.

Nagpataya umano si Duterte ng 18-kumbinasyon sa pag-asang may tatama sa mga ito.

Ayon kay Go, alkalde pa lamang si Duterte sa Davao City mahilig na ring siyang tumaya sa lotto.

Hindi naman binanggit ni Go kung ano ang balak ni Duterte sakaling manalo at nagbabaka-sakali aniya lang itong susuwertehin dito.

ADVERTISEMENT

Maging si Go ay tumaya rin sa lotto. Sakaling manalo, plano niyang magbigay ng tulong sa Malasakit Center sa mga ospital.

Noong Martes din, tumaya mismo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa isang outlet ng lotto.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi niyang bibigyan niya ng tig-P100-milyon ang kaniyang mga anak; P100-milyon para sa charity; P150-milyon para sa bagong mga behikulo ng Presidential Security Group; balato sa mga kaibigan, at kasama sa bahay.

Nagbiro pa ang alkalde na maglalaan din siya ng P121-milyon para sa legal fees ni Senador Antonio Trillanes IV, kilalang taga-batikos ng kaniyang ama.

Pumalo na sa P849-milyon ang jackpot prize sa Ultra Lotto at wala pa ring nakakatama dito.

Ayon sa PCSO, inaasahang aabot sa P885-M ang jackpot prize sa susunod na bolahan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.