PatrolPH

Sako-sakong basura nakuha sa dolomite beach

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2022 09:02 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Sako-sakong mga basura ang nakuha dito sa Manila Baywalk Dolomite Beach isang araw matapos bayuhin ang kalakhang Maynila ng bagyong Karding.

Ayon sa mga naglilinis mula sa Metropolitan Manila Development Authority, inabot ng halos 200 sako ang basurang inanod kahapon dito sa dolomite beach.

Tuloy-tuloy naman ang paglilinis dito.

Sa sobrang dami ng mga basura kailangan linisin katuwang ng MMDA ang mga taga-Department of Environment and Natural Resources.

Bukod sa mga water lilies na kadalasang inaanod dito sa pampang, karamihan sa mga basurang nakuha ng mga naglilinis ay mga plastic na wrappers, bote, mga kahoy at troso.

--TeleRadyo, 27 Setyembre 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.